Monday, October 24, 2016

Ano na nga pala?

Kalahating dekada na ang nakalipas simula ng mag wakas.
Pero bakit ang mga panahon tila nagbabalik ?
Dumalaw ka sa aking panaginip habang ako ay nag-hihilik.
Ano na nga ba? Isa lang ang tanong, Maari ba?

Maaari bang lumipad ang ibong sugatan?
Maaari pa bang bubungan ang ang tahanan ng pusong minsang sinilungan?
Maaari bang maging bulak ang tinik na minsang naka sugat?
Maari ba nating pagsaluhan ang ngiti na iginuhit ng ating mga labi?
Maaari bang muling mag lapat ang mga palad?
Maaari bang maging luntian ang mga dahong lumilipad?
Maaari bang malaman kung mamumulaklak pa ang mga halaman?

Maaari bang mag bunga ang puno, magkatubig ang batis upang inumin ng nauhaw na puso?


Saturday, September 22, 2012

Matamis na Hangin

Umuulan, umaaraw ngunit ang hanging matamis ay tila walang mintis.
Kagalakan ang nadarama ng mga punong sumasayaw sa saliw ng hangin.
Bagama't may mga unos, madalian naman itong napapagtakpan ng malalago at luntiang dahon na tila isang sandata na haharapin ang panahong humahamon.

Ako ngayon, bukas at kahapon

Kasalukuyang nililikha.

Wednesday, March 11, 2009

Durungawin mo ba Ang Liwanag na Naaninag

Madilim ang paligid, tahimik at payapa ang daloy ng panahon. Isang liwanag ang natanaw ng minsang lumakad at pasukin ang madilim na lugar. Kung iyong susuruin ang mga bagay sa loob ng lugar na ito ay mapapansin mo ang mga bakas at mararamdaman ang hangin na magpapaalala ng mga panahon at mga taong minsan ay naimbitahan at naipakita kung ano ang tunay na nilalaman ng damdaming malalim. Ang lugar na matagal na nakasarado ay nagkaroon ng puwang at tumagos ang liwanag na nanggaling sa dati'y tila isang matuwid na damdaming walang buhay na ngayon ay naglalaman ng magkahalong kaligayahan at pangamba. Napakagandang damdamin sapagkat hinde lang isa, ngunit dalawang damdamin ang nadarama na sumisimbulo ng balanseng bagay, balanse sapagkat hinde ka lang maligaya ngunit may halo ka ring pangamba. Sabi nga ay hinde mo mararamdaman ang magandang bagay kung hinde mo mararamdaman ang kasalungat nito. sa makatuwid ay maari mong subukin ang sarili mo kung alin ang magiging matimbang, Ang masayang bagay ba o ang mga bagay ng magdudulot na pangamba at matamlay na damdamin.Ang mga bagay na iyan ay maaring mangyari sa pamamagitan ng iyong sarili, at kung paano mo ibabahagi ang sarili sa bagay na ikinasisiya mo at sa bagay na nagpapaliwanag sa madilim na lugar na iyong muling binuksan. Isang malaking katanungan ang gumuguhit sa damdamin kung tuluyang papapasukin ang liwanag na natanaw o pipigilan sapagkat kung mangyayari ay maaring masilaw lang at masira ang mata ng damdamin na mangangailangan na naman ng panahon upang muling maghilom. Sa ngayon ay naiisip na kailangan mo nang tanggapin kung ano man ang darating sapagkat hinde ka magging maligaya kung hinde mo bubuksan ang liwanag na napuna. Buksan at harapin ang hamon, damdamin ang mga bagay na maaring maramdaman. Tagumpay man o hinde, iwasan ang paghakbang pabalik sa halip ay palampasin ang mga darating na dilim, patuloy maglakad upang marating ang dulo ng liwanag, Huwag magsasawa sa halip ay magsimula ng magsimula.

Tuesday, February 17, 2009

Panahong may ngiti sa mga labi

Yung panahong hinde mo pa kilala ang mga problema.
Ang kilala mo lang ay ang mga ngiti na nakaguhit sa bilog ng iyong maamong mukha at ang mga kalarong may ngiti sa labi at kung minsan naman ay mga hikbing dala ng pagka-musmos.

jcabuyao
Ang mga panahong umaagos lamang ang mga luhang kumikinang sa mata ng dahil sa walang halagang laruan. 

Ang mga panahong hinde mo kailangang makipag bunuan sa gabi sa dami ng kailangan mong tapusin sa eskwela o makipaghabulan sa lupang tinatapakan upang madatnan ang liwanag ng takipsilim at ilapat sa papel ang plumang guguhit ng mga kasagutan sa tanong na pinabaon ng iyong guro at paglipas ng gabi kasunod ay umagam may husga kung ano ang naani mo sa tinanim na kaalaman kahapon.

Ang mga panahong hinde mo kailangang magtanto kung ano ang mga dapat mong gawin upang maging balanse ang takbo ng sarili habang nglalakbay, naglalakad sa daanan ng panahon.

Walang problemang iniisip dahil apektado ka sa mga nakikita mo sa paligid, hinde man sa sarili mo ngunit sa ibang taong nakapaligid sa'yo na kapag nagdaramdam ay tatlo hanggang siyam na beses mong mararamdaman kung anu mang tumutusok sa kanilang damdamin.

Ilang libo na ring hakbang pala ang nagawa ng aking paa at tila natatanaw ko pa rin ang mga punong aking sinulungan noong minsan nang lumanghap ng sariwang hangin, hinde ko na namamalayan na unti-unti nang naluluma ang tinutungtungan kong tsinelas na kaagapay simula noong matuto akong tumayo at maglakad. Unti-unti na itong masisira, mawawala at mpapalitan habang tumatawid sa mabatong daanan ng panahon.

Masarap balikan ang nakalipas ngunit hinde ka maaring huminto sa dating panahon.
Kailangan mong harapin kung anu ang naghihintay para sayo sa dulo ng mabatong daanan na kailangan mong lakaran. sa bawat hakbang at yabag ng yong paa, sa bawat pag-ihip ng hanging darampi sa iyong muka, sa bawat pag-agos ng tubig ay kasama kang mamamangka patungo sa nais mong matamo.




http://malikhaingdaliri.blogspot.com/
http://flickr.com/photos/jerricc8

Wednesday, October 15, 2008

Flickr Pilipinas Photo Exhibit/Contest

Hahay!! Napakasarap isipin na ang mga larawang pagaari mo ay tinitignan ng maraming tao. Kamakailan lamang ay nagdesisyon ang Flickr Pililipinas upang mgkaroon ng isang photo contest/exhibit at nagkataon naman na bahagi na ako ng grupo na naging dahilan para aking mailahok ang aking larawan sa exhibit na may pamagat na " 88 on 08.08.08 Ikatlong Banat na 'to! " . narito ang ilang detalye na nanggaling sa Flickr Pilipinas group.

88 on 08.08.08
Ikatlong Banat na 'to!


The number “8” is considered a perfectly balanced symbol. When laid sideways, it turns into the infinity sign. Its meaning to different cultures is just that—infinite. It can represent prosperity or wealth, but some also perceive it as an unlucky number. It means resurrection for others and destruction for some. Eight represents enlightenment, perfection, a day of rest or rock-and-rollin’ love.

This August 8, 2008 (08.08.08), let us explore the infinite meaning of the number 8 as Flickr Group Philippines (www.flickr.com/groups/pilipinas), invites the Filipino Flickristas to 88 on 08.08.08.

Hobbyists and professionals alike who are members of the Flickr Group Philipines are called to show interpretations of the number “8”. The first 88 pictures to be posted automatically become part of a photo exhibit on Oct. 15-18 2008. Out of the 88 photos, eight will be adjudged winners. Great prizes and Flickr pro accounts are up for grabs
!






ikatlong banat




Halina't bumisita ang tignan ang mga larawan.

Monday, September 29, 2008

Master Rapper Ramon Bautista at Nescafe

Maraming natutuwa kapag si Ramon na ang nakita, kapag si Ramon na ang nagsalita dahil na rin sa kanyang napaka galing na talento pagdating sa TV o Radyo. Sa katunayan ay marami na rin syang tv shows o radio shows na nagagawa, katulad ng sikat na sikat na Brewrats na mapapakinggan mo simula Lunes hanggang Huwebes, ika-9 hanggang ika-12 ng hatinggabi at marami pang tv shows na hinde ko na matandaan sa dami. Wasak sabi nga nila sa brewrats na kasama din si Angel at Tado.

Teka kaya ko nga pala sinulat to ay dahil sa patalastas, oo bagong patalastas ni Ramon Bautista, patalastas ng Nescafe. Kung natatandaan nyo ang mas naunang patalastas ni Ramon. Yun yong PETRON SPRINT astig diba? tlagang tatawa ka at gusto mong ulit-ulitin hanggang makabisado mo na ang linya at baka mapabili ka pa nung petron sprint motor oil kahit wala ka namang motor dahil lang natuwa ka sa patalastas. Ngayon naman ay yung nescafe commercial na kasma si master rapper ng Pilipinas na si Francis M. pero ang sabi ni Ramon sya daw ang master rapper. hahaha!! natuwa naman ako dahil magaling ang pagkagawa nung patalastas. palistuhan sila ni Francis M. pag-rap kase ang sabi daw kung rapper ka daw kelangan listo at hinde nabblanko pero si Ramon?? haha! panoorin nyo na lang yung commercial ng nescafe tiyak na matutuwa ka at tatawa ka sa galak. Isa na namang masigabong palakpak ang ibigay natin sa bagong master rapper ni si Ramon Bautista. Ramon Bautista at ang Nescafe. yeah men!!!!