Tuesday, February 17, 2009

Panahong may ngiti sa mga labi

Yung panahong hinde mo pa kilala ang mga problema.
Ang kilala mo lang ay ang mga ngiti na nakaguhit sa bilog ng iyong maamong mukha at ang mga kalarong may ngiti sa labi at kung minsan naman ay mga hikbing dala ng pagka-musmos.

jcabuyao
Ang mga panahong umaagos lamang ang mga luhang kumikinang sa mata ng dahil sa walang halagang laruan. 

Ang mga panahong hinde mo kailangang makipag bunuan sa gabi sa dami ng kailangan mong tapusin sa eskwela o makipaghabulan sa lupang tinatapakan upang madatnan ang liwanag ng takipsilim at ilapat sa papel ang plumang guguhit ng mga kasagutan sa tanong na pinabaon ng iyong guro at paglipas ng gabi kasunod ay umagam may husga kung ano ang naani mo sa tinanim na kaalaman kahapon.

Ang mga panahong hinde mo kailangang magtanto kung ano ang mga dapat mong gawin upang maging balanse ang takbo ng sarili habang nglalakbay, naglalakad sa daanan ng panahon.

Walang problemang iniisip dahil apektado ka sa mga nakikita mo sa paligid, hinde man sa sarili mo ngunit sa ibang taong nakapaligid sa'yo na kapag nagdaramdam ay tatlo hanggang siyam na beses mong mararamdaman kung anu mang tumutusok sa kanilang damdamin.

Ilang libo na ring hakbang pala ang nagawa ng aking paa at tila natatanaw ko pa rin ang mga punong aking sinulungan noong minsan nang lumanghap ng sariwang hangin, hinde ko na namamalayan na unti-unti nang naluluma ang tinutungtungan kong tsinelas na kaagapay simula noong matuto akong tumayo at maglakad. Unti-unti na itong masisira, mawawala at mpapalitan habang tumatawid sa mabatong daanan ng panahon.

Masarap balikan ang nakalipas ngunit hinde ka maaring huminto sa dating panahon.
Kailangan mong harapin kung anu ang naghihintay para sayo sa dulo ng mabatong daanan na kailangan mong lakaran. sa bawat hakbang at yabag ng yong paa, sa bawat pag-ihip ng hanging darampi sa iyong muka, sa bawat pag-agos ng tubig ay kasama kang mamamangka patungo sa nais mong matamo.




http://malikhaingdaliri.blogspot.com/
http://flickr.com/photos/jerricc8

1 comment:

katkat said...

kaw naman. ndi naman corney :) maganda. update mo na. i'll be a follower kahit ndi na updated blogspot ko :p