Wednesday, March 11, 2009

Durungawin mo ba Ang Liwanag na Naaninag

Madilim ang paligid, tahimik at payapa ang daloy ng panahon. Isang liwanag ang natanaw ng minsang lumakad at pasukin ang madilim na lugar. Kung iyong susuruin ang mga bagay sa loob ng lugar na ito ay mapapansin mo ang mga bakas at mararamdaman ang hangin na magpapaalala ng mga panahon at mga taong minsan ay naimbitahan at naipakita kung ano ang tunay na nilalaman ng damdaming malalim. Ang lugar na matagal na nakasarado ay nagkaroon ng puwang at tumagos ang liwanag na nanggaling sa dati'y tila isang matuwid na damdaming walang buhay na ngayon ay naglalaman ng magkahalong kaligayahan at pangamba. Napakagandang damdamin sapagkat hinde lang isa, ngunit dalawang damdamin ang nadarama na sumisimbulo ng balanseng bagay, balanse sapagkat hinde ka lang maligaya ngunit may halo ka ring pangamba. Sabi nga ay hinde mo mararamdaman ang magandang bagay kung hinde mo mararamdaman ang kasalungat nito. sa makatuwid ay maari mong subukin ang sarili mo kung alin ang magiging matimbang, Ang masayang bagay ba o ang mga bagay ng magdudulot na pangamba at matamlay na damdamin.Ang mga bagay na iyan ay maaring mangyari sa pamamagitan ng iyong sarili, at kung paano mo ibabahagi ang sarili sa bagay na ikinasisiya mo at sa bagay na nagpapaliwanag sa madilim na lugar na iyong muling binuksan. Isang malaking katanungan ang gumuguhit sa damdamin kung tuluyang papapasukin ang liwanag na natanaw o pipigilan sapagkat kung mangyayari ay maaring masilaw lang at masira ang mata ng damdamin na mangangailangan na naman ng panahon upang muling maghilom. Sa ngayon ay naiisip na kailangan mo nang tanggapin kung ano man ang darating sapagkat hinde ka magging maligaya kung hinde mo bubuksan ang liwanag na napuna. Buksan at harapin ang hamon, damdamin ang mga bagay na maaring maramdaman. Tagumpay man o hinde, iwasan ang paghakbang pabalik sa halip ay palampasin ang mga darating na dilim, patuloy maglakad upang marating ang dulo ng liwanag, Huwag magsasawa sa halip ay magsimula ng magsimula.

2 comments:

Visyel said...

taragis wala na bang mas lalalim pa sa Filipino terms mo? Nauubusan na ko ng panyo!

Anonymous said...

Just dropping by.. interesting blog.