Yung panahon na hinde mo pa kilala ang mga problema.
Ang kilala mo lang ay ang mga ngiti na nakaguhit sa bilog ng iyong maamong mukha at ang mga kalarong may ngiti sa labi.
At kung minsan ay hikbi dala ng pagkabata.
Ang mga panahong hinde mo pa nararanasan ang magpuyat sa dami ng kailangan mong tapusin sa eskwela.
Ang mga panahong tumutulo lamang ang mga luha sa mata ng dahil sa walang halagang laruan.
Ang mga panahong hinde mo kailangang magisip kung ano ang mga dapat mong gawin upang maging balanse ang takbo ng sarili habang nglalakbay, naglalakad sa daanan ng panaon.
Walang gabing dapat mapuyat dahil may kailangang tapusin sa opisina o walang problemang iniisip dahil apektado ka sa mga nakikita mo sa paligid, hinde man sa sarili mo ngunit sa ibang taong nakapaligid sa'yo na kapag apektado ay tatlo hanggang apat na beses mong mararamdaman kung anu mang problema ang dinarama nila.
Medyo malayo na rin pala ang narating ko sa aking paglalakad, hinde ko na namamalayan na unti-unti nang nasisira ang tinutungtungan kong tsinelas na kaagapay simula noong matuto akong tumayo at maglakad sa sariling paa.unti-unti na itong masisira, mawawala at mpapalitan habang tumatawid sa mabatong daanan ng panahon..
Masarap balikan ang nakalipas ngunit hinde ka maaring huminto sa dating panahon, kailangan mong harapin kung anu ang naghihintay para sayo sa dulo ng mabatong daanan na kailangan mong lakaran. sa bawat hakbang, sa bawat pag-ihip ng hangin, sa bawat pag-agos ng tubig ay kasama kang mamamangka patungo sa nais mong matamo. :-)
**http://flickr.com/photos/jerricc8
*http://jerricc8.multiply.com
Tuesday, February 17, 2009
Panahong may ngiti sa mga labi
Labels:
bata,
buhay,
jeric cabuyao,
kabataan,
musmos,
ngiti,
paglalakbay,
pinoy blog,
saya,
tagalog
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

1 comments:
kaw naman. ndi naman corney :) maganda. update mo na. i'll be a follower kahit ndi na updated blogspot ko :p
Post a Comment