Monday, September 29, 2008

Ang simula ng karugtong

Nandito na naman ang aking malikhaing pagiisip upang magsiwalat ng mga bagay na hinde tiyak kung masisiyahan ang mga mambabasa sa saking ilalathala, nung una ay inisip kong hinde ako mkakapagsulat ng tinatawag nilang blog ngunit aking napatunayan sa sarili na hinde nga pala ako mkakapagsulat. Bakit parang ang labo? hinde ako mkakapagsulat pero heto ka at binabasa mo ang aking sinulat. Magulo ba? hahay wag mo nang isipin at hinde talaga tayo mgkakaintindihan sa aking mga sinusulat. Magbasa ka na lang at sundan ang mga kwentong ilalathala na aking isip sa tulong ng aking mga daliri.

Sinimulan kong magsulat nung makabasa ako mga tagalog na tinatawag nilang blog, na enganyo ako dahil na rin siguro sa madaling mabasa ito at hinde mababagot ang mga mambabasang Pinoy lalo na't tagalog pa ang mababasa nila. Para sa akin mas masarap kung susulat ka gamit ang sarili mong wika. Pero paano naman ang mambabasang hinde marunong umintindi ng tagalog? Ah eh wala na akong pakelam dyan basta ginawa ko ito para sa kapwa ko Pinoy pero wag kayong mgaalala dahil susulat din ako gamit ang salitang banyaga. Sa ngayon ay nagiipon na ako ng aking gagamitin dito katulad ng yes,no,sorry, whatever, everyday, i love you, i hate you, i miss you and etc. etc. oh ok ba? na sampolan ka ba ng aking english reserved words? but wait there's more! im fine, good morning, good afternoon, good night at etc.etc. haha!! mukhang nagging corny na ang aking isinusulat pero basta bahala na kayong mag-tyaga kung ano man ang nakasulat dito.

Nakow humaba na ata ang aking introduction, sumulat lang naman ako para ipalaam kung anu ang ginawa o gagawin ngayong araw. Lumilipas ang oras ang hinde ako nkakagawa ng trabaho ko dito sa aking opisina. Sa halip na ginagawa ko ang mga web based system o yung mga kompyuter program na ginagamit sa pmamagitan ng isang web browser na unang naging sikat ay ang INTERNET EXPLORER ng aking mga among banyaga ay inuna ko pa itong blog kuno na sinusulat ko ngayon. Maya-maya ay makikipag usap na naman ako sa among nasa ibang bansa upang ipaliwanag kung ano man ang natapos ko nang gawin at kung may mali man ay ipababago niya at dudugo na naman ang ilong ka sa pakikipag usap sa mga kanong to. Ganito lang ang aking trabaho simula martes hanggang sabado. Nagsisimula ng ika-pito ng umaga hanggang ika-4 ng hapon kung sswertehin at natapos na ang aking mga trabaho pero kung mamalasin ka at kelangan mong tapusin ang mga ginagawa mo sa isang araw ay mananatili ka pa sa opisina ng ilang oras upang matapos ang mga proyektong iniaatas. Patay!! wala na patay na ang social life. bagsak ang sariling kasiyahan at pano pa mkaka pang chics? haha!! O paano ngayon na ang oras upang tawagan ang aming amo, ako'y mgpapaalam na muna at abangan kung ano ang nangyari sa usapan namin.

Maghintay ng kasunod kung ika'y natuwa sa aking sinulat at kung hinde naman ay tumahimik at maghanap na iba pang mas interesting na babasahin at hinde ito. haha!!

Maligayang pagbabasa at kung naabot mo itong huling parte ng mensahe ko ibig sabhin ay pinagpatuloy mong basahin at hinde ka nabagot sa kalagitnaan ng nilalaman o kaya naman ay tinapos mo at naghahanap ka pa ng magandang sinulat ngunit nabigo ka at natapos ng wala kang napala. :D

No comments: