Minsan hinde nalalaman ng isang tao ang kanilang ginagawa, ngunit ang minsan ay lumalabas lamang isang beses sa sampung pagkakataon, nangagahulugan na ang ginagawa nang isang tao ay tiyak na alam nito.
Alam natin sa sarili natin kung kumportable ba tayo sa ating ginagawa, o ginagawa mo lang ang bagay dahil sa ito ang nauuso, ito ang nakikita mo sa mga taong nakapaligid sa'yo, hinde mo kinakailangan gawin ang ginagawa ng nakakarami, hinde mo kailangang tularan ang lahat ng nakikita mo, bagkus ay gumawa ka ng mga bagay na likas sa iyong sarili, ang mga bagay na alam mong sa sarili mo nanggaling. Huwag mong hanapin ang ibang tao sa sarili mo sapagkat lahat ng tao ay hinde pare-pareho. Kung ano ang nakikita mo sa sarili mo ay makuntento ka na, Huwag mong piliting maging katulad ng ibang tao dahil sa huli ay hinde mo rin ito makakabuti para sa'yo at para sa ibang tao. Mas mabuting gawin mo ang mga bagay na makakabuti sa sarili mo at makakapagpaunlad ng sarili mong pagkatao, at nakakapagpanatag ng loob mo, hinde ang ang pagpapanatag mo sa mata ng ibang tao dahil kahit kailan hinde ito mangyayari hangga't hinde mo nakikilala ang sarili mong anino. Gumawa ka ng sarili mong anino, at huwag kumukubli sa anino ng ibang tao, dahil baka isang araw ay hinde mo na mamalayan na nabulag ka na sa anino ng ibang tao at hinde mo na makita ang sarili mo sa kadiliman na nakukublihan ng mga anino. Walang masamang maghangad na maging katulad ng ibang tao sapagkat ito ang nagiging dahilan para gumawa tayo ng bagay na makakapagpaunlad sa ating sarili, ngunit at paghanga sa ibang tao ay isa lang gabay para gumawa ka ng sarili mong pagkatao.
"Ang lahat ay magagawa mo katulad ng ibang tao kung susundin mo ang sarili mo at iisipin ang kapakanan ng ibang tao" , kung sa inaakala mo na masaya ka sa mga gagawin mo, gawin mo ngunit isipin mo muna kung may masamang epekto ba ito sa ibang tao, at sa sarili mo. Kung WALA! magaling!! magiging panatag ang loob mo at bubuti ang pakisama mo sa mundo!
May mga ilang akong nabasa sa internet na naayon sa aking isinulat:
"Accept everything about yourself--I mean everything, You are you and that is the beginning and the end--no apologies, no regrets."
-Clark Moustakas-
"Be what you are. This is the first step towards becoming better than you are."
-J. C. Hare & A. W. Hare (Guesses at Truth: Second Series)-
The greatest success is successful self-acceptance.
- Ben Sweet -
It is rewarding to find someone you like, but it is essential to like yourself. It is quickening to recognize that someone is a good and decent human being, but it is indispensable to view yourself as acceptable. It is a delight to discover people who are worthy of respect and admiration and love, but it is vital to believe yourself deserving of these things.
- Jo Coudert -
No comments:
Post a Comment