Humantong na naman sa panahon na nagpupumiglas ang mga diwa at damdamin na animo'y libo-libong bagay na napiit sa isang napakaliit at madilim na sulok ang lumabas sa isang katauhan na naging instrumento para magpahayag ng damdamin, muli na namang napuno ang tila imbakan ng mga nakaraan at kailangan nang ilabas upang tanggapin ang mga panibagong damdamin na haharapin at mararamdaman at muli na namang ilalabas pagdating ng tamang panahon. Ito ay isang ehersisyo ng buhay, buhay ng mga tao na itinutulay ang mga nararamdaman sa pamamagitan ng pagsulat.
Noong una, parating sumasagi sa isipan na hinde maintindihan ang mga bagay na nararamdaman at nakikita sa isang tao, nalilito kung bakit minsan ay hinde sigurado sa nararamdaman ng ibang tao para sa aking sarili na tila isang larawang kupas na hinde mo makita ang anyo. Pinipilit na makinig sa isang panig na ang tinig ay nagmula sa artipisyal na boses, artipisyal na boses na nangangahulugang maaring dayain ang lumalabas na salita sa mga dila. Ang dila na may kapangyarihang luminlang at lumason ng isipan ng bawa't isa. Minsan na rin akong nalinlang nga mga mapagpanggap na damdamin, ngunit sa huli ay natulungan ng isang tunay na kaibigan at lagi mong kasama, ang kaibigang maasahan mo hinde lamang bahagya ngunit tiyak at garantisado, tiyak sapagkat siya lang ang makapagsasabi at mgpaparating sa'yo ng tunay mong nararamdaman. Ito ay ang dila ng iyong damdamin, ang dila ng iyong sariling damdamin, ang dila ng iyong damdamin na sumisigaw ngunit madalas ay hinde makaagaw ng atensyon sapagkat nakublihan ka na ng ingay na nilikha ng maling paniniwala.
Lahat ng mga katanungang gumugulo sa iyong isipan ay may angkop na kasagutan na mangangaling sa iyong sariling damdamin, ito lang ang tanging makakapagsabi kung ano ang tunay na kasagutan. Maglaan ng pakikinig sa sariling damdamin upang hinde makublihan ng mga damdaming nadadala ng hangin.
Monday, September 29, 2008
Nabulag ng Damdaming nadadala ng Hangin
Labels:
damdamin,
diwa,
isipan,
nalasong isip,
sariling pag-iisip,
self,
voice
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment